Ano ang "dormant
account" at "minimum maintaining balance"?
Ang peso o dollar savings account sa Pilipinas
ay magiging dormant kung walang hulog o kaya withdrawal sa loob ng
dalawang taon. Pag dormant na ang account may penalty na PHP100.00
bawat buwan kung
peso account at USD10.00 bawat buwan kung dollar account. Kung sakaling
nabawasan ang inyong account o account ng inyong beneficiary
samantalang may hulog o kaya withdrawal sa loob ng dalawang taon,
ipagbigay alam po lamang sa kahit sinong opisyal o empleyado namin
para sa ganoon ay magawan ng paraan para maibalik ang nabawas na
halaga.
Ang "minimum maintaining balance" ay
iyong pinakamababa na halaga
o balanse ng account na dapat manatili o maiwan sa account. Sa peso
account, ang "minimum maintaining balance" ng inyong account
o ng inyong beneficiary ay PHP100.00 at sa dollar account naman ay
USD200.00. Pag bumaba sa PHP100.00 o kaya USD200.00 ang balanse,
may penalty na PHP50.00 bawat buwan kung peso account at USD10.00
bawat buwan kung dollar account. Kaya pakisabi lang po sa inyong
beneficiary na ang balanse ng kanilang account ay hindi dapat bumaba
sa nasabing "minimum maintaining balance" para maiwasan
ang penalty.
Para sa inyong karagdagang kaalaman, ang
mga nasabing penalties ay
inilala-an bilang kompensasyon ng bangko para sa patuloy na
pag-maintain at pag-administrar ng accounts sa libro ng bangko.