Kumikitang Balikbayan

Habang ikaw ay nasa abroad, magandang pagplanuhan ang pag-iinvest sa isang negosyo sa Pilipinas para makapag-ipon para sa iyo at iyong pamilya. Ang pagtatayo ng negosyo sa Pilipinas ay magbibigay ng dagdag na kita na maaring makatulong upang maging financially stable ka kapag naisipan mong bumalik na sa Pilipinas. Kung nahihirapan ka sa dami ng business options, we have listed some ideas na maaari mong i-consider sa pagsisimula ng business kahit na mababa ang iyong budget.

E-Loading

Magandang simula ang e-loading to increase your earnings. Maaari kang mag-apply sa mga local networks such as Globe, Smart, and Sun as an official prepaid load reseller. Ang kailangan mo lamang ay phone (hindi kailangang smartphone) at retailer’s sim. Kung wala ka naman oras pumunta at mag apply as an official load reseller ng mga local networks, maaari mo itong gawin online via Coins.ph at Smart.

Online Store

If you’re looking for a part-time or full-time job kung saan hindi mo na kailangan pang pumunta sa opisina o kaya umalis ng bahay, maaari kang mag set-up ng sarili mong online shop. Mag research at alamin kung ano nga ba ang mga kailangan ngayon ng mga tao at doon mo i-focus ang iyong produkto, maaaring ito ay pagkain o pastries, secondhand gadgets, clothing, at iba pa. Gumawa ng iyong sariling page sa Facebook o Instagram or kaya naman pwede ka din gumawa ng iyong sariling website at i-upload dito ang mga pictures ng iyong products. Siguraduhin lamang na ikaw ay kumpleto sa mga business license/permits kung kinakailangan.

Sari-sari store/Mini-Grocery

Pwede kang mag-patayo ng sari-sari store o maliit na tindahan without much capital. Sa halagang Php 10,000-15,000 ay makakabili ka na ng mga stocks sa mga wholesellers. Maghanap ng isang lugar kung saan makikita ng mga tao ang mga binebenta mo. Hindi kinakailangan ang sobrang laking space, kahit sa 5-10 square meters sa harap ng bahay mo ay makakapagtayo ka na ng tindahan. Gawing legal ang negosyo by registering for a business permit. Ilan sa mga local governments ngayon ay may one-stop shop service for business registration.

Food Carts

Totoo ngang “Filipinos love food!” kaya ang food cart business ay isa sa magandang subukan na negosyo sa Pilipinas. Compared sa pagtatayo ng sarili mong restaurant, mas mababa ang startup costs ng food cart business at hindi ka mabibigla sa paggastos sa maraming personnel at equipment. Patok na patok sa mga Pilipino ang street food kung kaya marami ka ring i-offer tulad ng hotdogs, popcorn, donuts, burgers—depende sa kung ano ang tingin mong mas mabenta sa location na pagtatayuan mo.
Isang good investment ng iyong pera ay ang pagsimula ng sariling maliit na negosyo, pero kailangan din ito ng hard work and passion para kumita at umunlad. Maraming fulfillment na nakukuha mula sa tagumpay ng sariling business.

Trunkline
Tel. No.: (+632) 8526 3131

Customer Care

Bank Hotline
Tel. No.: (+632) 8573-8888
Email: customercare@pnb.com.ph
PNB Cards
Tel. No.: (+632) 8818 9818
Email: pnbcreditcards@pnb.com.ph
Philippine National Bank (PNB) is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas
https://www.bsp.gov.ph.
Privacy Statement