Stop na sa Emotional Shopping!

Madalas ka bang magshopping para gumaan ang pakiramdam mo? Ginagawa mo ba ito kapag ikaw ay bored, stressed, o kaya kapag ikaw ay malungkot? Kung oo, ikaw ay matatawag na emotional spender.
Wala namang masama sa pagbili ng mga bagay na talaga namang nakakapagpasaya sa atin, ngunit kung ito ay mga bagay na hindi natin tunay talagang kailangan o kaya ay nagiging dahilan kung tayo ay nahihirapan financially, hindi ito magandang magpatuloy.
Paano mo mapipigilan ang emotional spending?

Alamin ang nagiging dahilan o trigger ng iyong emotional spending

Isang paraan para ma-control ang iyong emotional purchases ay ang pag-track ng iyong spending habits. Pero ang mas mainam na paraan ang pag-alam ng triggers kung bakit ikaw ay may emotional spending. Kung ito ay dahil sa stress, sa work o sa anumang bagay, mas mapapadali ang pag-iwas mo sa spending habit mo na ito. Para makapag-destress, ibaling ang atensyon sa similar activities na maaaring tumulong sa pagbawas ng paggastos.

Gamitin ang 48-Hour Rule

Mayroong isang paraan para maiwasan ang impulse purchases, ito ang tinatawag na 48-Hour Rule. Ito ang isa sa pinakasimple pero isa sa pinaka-effective na paraan para iwasan ang pagbili ng mga hindi kailangan. Para gawin ito, ilista ang iyong mga gustong bilhin at ilagay ang mga price ranges nito. Maghintay ng 48 Hours o dalawang araw para pag-isipan kung kailangan ba talaga ito at kung ano ang magiging epekto nito sa monthly budget mo.

Bawasan ang shopping apps o tanggalin ang promo subscriptions

Maiiwasan ang tukso ng hindi planadong gastos kung wala kang paraan para makita ang mga kali-kaliwang mga promos. Maaari mong tanggalin sa iyong phone ang mga promo subscriptions at mga shopping apps at pag-unsubscribe sa retail emails para siguradong hindi magalaw ang savings mo for the month.

Mag-set ng shopping budget

Kung may naitabi ka na for your monthly savings, pwede ka nang mag-set para sa shopping budget mo. Gamitin ang envelope method para i-budget ang iyong pera sa bawat category na iyong paglalaanan–kung ito ay sa pagkain, bills, entertainment o shopping man. Sa paraang ito, mas magiging in control ka sa pera mo at sa pag-emotional spend.

Subukan ang ibang hobbies kapag nagiging emotional

Kung ikaw naman ay madalas na gumagastos para ma-distract at maaliw ang sarili, mas mabuti na maghanap ng ibang hobby para doon mabaling ang iyong atensyon. Kung pagod ka sa trabaho, maaari kang mag-exercise o tumawag sa isang kaibigan. Kung gusto mo talaga ang bumili, piliing bilhin ang mga mas simpleng bagay.

Ang emotional spending ay madalas nang nangyayari lalo na sa panahong ito. Sundin ang mga tips na ito para maiwasan ang ito at mas maalagaan ang savings mo ngayong taon!

Trunkline
Tel. No.: (+632) 8526 3131

Customer Care

Bank Hotline
Tel. No.: (+632) 8573-8888
Email: customercare@pnb.com.ph
PNB Cards
Tel. No.: (+632) 8818 9818
Email: pnbcreditcards@pnb.com.ph
Philippine National Bank (PNB) is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas
https://www.bsp.gov.ph.
Privacy Statement